Nakumpiska ang iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng armas at bala mula sa isang suspek sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay Zambowood, Zamboanga City nito lamang madaling araw ng Mayo 1, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Joey,” 59-anyos, residente ng naturang barangay.
Nakumpiska ng pulisya ang isang (1) Colt .45 pistol na may magasin at bala; isang (1) P14 .45 pistol na may magasin at bala; isang (1) Armscor .45 pistol na may magasin at bala; isang (1) .32 pistol na may magasin at bala; isang (1) .25 pistol na may magasin at bala; isang (1) Intratec 9mm Luger na may magasin at bala; isang (1) Cobray M-11 9mm na may magasin at bala; isang (1) M1 Carbine na may magasin at bala; isang (1) Armscor air rifle na walang magasin at bala; isang (1) sirang air rifle na walang magasin at bala.
“Napakahalaga ng accomplishment na ito lalo pa at malapit na ang eleksyon. Patuloy pa rin ang kapulisan ng Zamboanga sa pagsugpo sa mga nais magpalaganap ng kriminalidad at kaguluhan sa Zamboanga City. Hinihikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang mga komunidad,” saad ni PCol Fortaleza.
Panulat ni Pat Joyce M Franco