Thursday, May 1, 2025

Mastermind at Gunman sa pamamaril ng Indian National arestado ng QCPD

Quezon City — Arestado ang mastermind at gunman na bumaril at pumatay sa isang Indian National sa isinagawang manhunt operation ng mga otoridad nito lamang Huwebes, Pebrero 23, 2023.

Kinilala ni PBGen Nicholas Torre lll, District Director ng QCPD, ang mga suspek sa pangalang Randy, 32, tinaguriang mastermind at Mark Darriel, 21, gunman, na pawang mga residente ng Quezon City.

Ayon kay PBGen Torre lll, nangyari ang insidente bandang 2:30 ng hapon noong Pebrero 14, 2023 sa kahabaan ng Kagawad Road corner San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City kung saan kinilala ang biktima na si Beant Singh, 47, isang Indian National, at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon pa kay PBGen Torre lll, naaresto ang suspek na si Mark Darriel bandang 2:45 ng hapon ng Pebrero 23, 2023 nang lumabas siya sa kanyang hideout na matatagpuan sa kahabaan ng Bougainvilla St. at Randy bandang 3:30 naman ng hapon ng parehong araw sa harap ng Samantha Store na matatagpuan sa No. 78 Kagawad Road, Area B, Talanay, Batasan Hills, Quezon City ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Batasan Police Station ng QCPD.

Nakumpiska mula kay Mark Darriel ang isang (1) kalibre .380 na walang serial number habang isang (1) hand grenade na nakalagay sa isang sling bag ang nakuha naman mula sa suspek na si Randy.

Kasong murder ang kahaharapin ngayon ng mga suspek. Karagdagan pa rito, si Randy ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9516 o Illegal Possession of Explosives at Violation of R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act naman kay Mark Darriel.

Pinuri ni PBGen Torre III ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek at pagkakarekober ng mga nasabing ebidensya, at aniya, patuloy sa pagpapatupad ng batas ang kanyang mga tauhan upang masiguro ang katahimikan ng kanyang nasasakupan.

Source: PIO QCPD

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles