Antipolo City – Matagumpay na naisagawa ang Masjid at Madrasah visitation ng Antipolo PNP nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Pinangunahan ng Antipolo City Municipal Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Acting Chief of Police ang pagbisita sa Al-Risala Community Development Association Inc. (ARCDAI) sa ilalim ni Imam Rayyan Glodo.
Ayon kay PLtCol Abrazado, bandang 8:15 ng umaga nagsimula ang aktibidad sa Sitio Canumay-San Ysiro, Barangay San Jose, Antipolo City kung saan nagkaroon ng barangay pulong-pulong at namahagi ng kaalaman patungkol sa peace and order situation, drug awareness at cultural sensitivity sa mga kabataang Muslim.
Namahagi rin ng mga food packs sa naturang aktibidad na naglalayon na palakasin ang samahan at ugnayan ng PNP at mga kapatid nating Muslim.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magsasagawa ng ganitong mga aktibidad upang mapanatili ang magandang samahan sa mamamayan at mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon