Sunday, January 5, 2025

Mas pinaigting na kampanya laban sa mga ipinagbabawal na paputok, isinagawa ng Pampanga PNP

Patuloy ang walang tigil na kampanya ng Pampanga PNP laban sa iligal na paputok at pailaw sa buong probinsya ng Pampanga nito lamang ika-31 ng Disyembre, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Pampanga Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jay C. Dimaandal, Provincial Director, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Personal na sinuri ni PCol Dimaandal ang mga himpilan ng pulisya at mga Police Assistance Desks sa buong lalawigan upang tiyakin ang kahandaan ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas.

Bahagi ito ng kanyang direktiba na palakasin ang operasyon kontra sa pagbebenta at paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok, kabilang ang mga improvised noise-making devices tulad ng “boga” cannons.

Mula Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na nakumpiska ng mga pulis sa Pampanga ang kabuuang 21,198 piraso ng iligal na paputok at mga improvised devices na may halagang halos Php200,000.

Muling pinaalalahanan ni PCol Dimaandal ang publiko na unahin ang kaligtasan sa panahon ng selebrasyon. Hinihikayat din ang mga mamamayan na agad i-report sa kanilang mga lokal na himpilan ng pulisya ang anumang iligal na aktibidad na may kaugnayan sa paputok.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong lalawigan, lalo na sa panahon ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Panulat ni Pat Jilly A Peña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles