Police Regional Office 12 – Matagumpay na naisagawa ng Regional Community Affairs and Development Division ang Marriage Enrichment Seminar (Renewal of Vows) para sa kapulisan ng PRO12 na ginanap mismo sa St. Michael Chapel ng Police Regional Office 12 ngayong araw ng Setyembre taong kasalukuyan.
Ang nasabing aktibidad ay malugod na dinaluhan ng mga mag-asawa na kinatawan mula sa South Cotabato Police Provincial Office, Sultan Kudarat Police Provincial Office, Sarangani Police Provincial Office, General Santos City Police Office, North Cotabato Police Provincial Office at Regional Mobile Force Battalion na siya din namang malugod na pinangunahan ni PCol Gilberto Tuzon Officer-In-Charge ng Regional Community Affairs and
Development Division kasama ang kanyang butihing asawa.
Ang aktibidad na ito ay nakapailalim sa doktrina ng KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan. Layunin ng aktibidad na ito na mas lalong pagtibayin ang pagsasama at pagmamahalan ng mga mag-asawa upang mas tumatag ang kanilang pamilya sa mga kakaharapin nilang mga pagsubok sa buhay.
Sa ibinahaging mensahe ni PCol Tuzon ay binati at pinasalamatan niya ang mga dumalo sa nasabing aktibidad, aniya “Ito ay isang magandang paraan upang simulan ang ating pagsisikap sa pagpapakita ng ating programang KASIMBAYANAN, bilang pinaka-prestihiyosong ahensya sa bansa, ang PNP ay dapat maging isang magandang halimbawa ng paggalang sa kabanalan ng kasal,” ani PCol Tuzon.
Panulat ni Pat Gio Batungbacal