Aurora – Nakiisa ang Maria Aurora PNP sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong “Paeng” sa Brgy. Cabituculan East, Maria Aurora, Aurora nito lamang Lunes, Oktubre 31, 2022.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Jeffren Javar, Chief of Police ng Maria Aurora Municipal Police Station kasama ang Local Government Unit.
Layunin nito na maiabot kaagad ang agarang tulong sa mga nasalanta mula sa pamahalaan at siguraduhin ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Source: Maria Aurora Municial Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/ RPCADU3