Ormoc City – Pinangunahan ng mga tauhan ng Ormoc City Police Office ang isinagawang Mangrove Tree Planting sa Naungan, San Juan Mangrove Site, Barangay Naungan, Ormoc City nitong Martes, Hulyo 11, 2023.
Ito ay inisyatibo ni Police Colonel Nelvin Ricohermoso, City Director ng Ormoc CPS, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-28th PCR Month ngayong taon na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Maunlad at Ligtas na Pamayanan”.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang PNP Maritime Group, 93rdIB, 8ID, PA, 93rd Delta Coy, KKDAT Ormoc Chapter, Police Station 3 FTO at FTPs and Fisher Folk (SAMPA).
Tinatayang nasa 100 Mangrove Tree ang naitanim ng mga naturang grupo na alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Layunin ng aktibidad na bigyang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at komunidad at protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang siyang poprotekta sa mga baybayin at komunidad mula sa malakas na alon.