Bacacay, Albay – Nagsagawa ng Mangrove Planting Activity ang mga tauhan ng Bacacay PNP at Regional Recruitment and Selection Unit 5 sa Barangay Banao, Bacacay, Albay nitong Huwebes, Hulyo 28, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Irvin Bellen, Officer-In-Charge ng Bacacay Municipal Police Station, kasama si Police Lieutenant Colonel Rodolfo Oliver Jr., Assistant Chief, RRSU.
Nakapagtanim ng Mangrove propagules ang naturang grupo na nilahukan din ng mga Barangay Officials ng nasabing Barangay sa pamumuno ni Hon. Corazon Dato, Punong Barangay, Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni Hon. Jayson Costa, SK Chairperson, KALIGKASAN Advocacy Support Group na pinamunuan ni Mr. Arvin Francis Bermudo, Kaligkasan President at KKDAT Advocacy Support Group na pinamunuan ni Hon. Rimell Faith Torre, KKDAT President.
Ang pagtatanim ng puno o Mangrove ay isa sa “PNP Core Values” na “Makakalikasan” upang mabigyan ng proteksyon ang ating kalikasan at komunidad laban sa masamang epekto ng climate change.
Source: Bacacay MPS
Panulat ni Patrolman Jomar Danao