Bilang pagkilala sa higit isang daan taon na tapat at tunay na serbisyo, ipinagdiwang ng Mandaue City Police Office ang ika-122nd Police Service Anniversary na ginanap sa Mandaue Sports and Cultural Complex sa Brgy. Centro, Mandaue City, Cebu nito lamang Miyerkules, Disyembre 06, 2023.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Maribel Getigan, Acting City Director kasama si Mandaue City Mayor, Hon. Jonas C Cortes bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Dumalo rin sa naturang aktibidad ang ama ng Police Regional Office 7 na si Police Brigadier General Anthony A Aberin, kasama ang Command Group at staff, mga miyembro ng iba pang ahensya ng gobyerno, Advocacy Support Groups, at stakeholders na nakibahagi sa makabuluhang okasyon.
Binigyang-diin sa pagdiriwang na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa,” ang pagkilala at paggawad sa mga unit at personahe ng kapulisan sa lungsod at ilan pang indibidwal para sa mahusay na pagganap ng kanilang serbisyo at walang humpay na suporta sa pagkamit ng mga layunin at mandato ng Pambansang Pulisya.

Sa mensahe ni Hon. Jonas C Cortes, kanyang ipinaabot ang labis na pasasalamat sa pagsisikap ng mga miyembro ng Mandaue City PNP sa pagtataguyod na maging ligtas at mapayapa para sa mga Mandauehanon ang buong lungsod nang may integridad at propesyonalismo.
“To our police force you are the unsung heroes who bravely and compassionately safeguard the well-being of our citizens, you are our partners in fostering peace and order within our community. Our efforts to move Mandaue are not just programs, it is a commitment embedded in the heart of our local government, it signifies a step towards progress where every Mandauehanon is anchored to a common objective to elevate the quality of life and attain fulfillment.”