Benguet – Nagsagawa ng mandatory drug test ang Police Regional Office Cordillera para sa lahat ng tauhan na nakatalaga sa Regional Headquarters Unit na ginanap sa Multi-Purpose Gymnasium, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-12-14 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Ronald Gayo, Deputy Regional Director for Operations (DRDO), ang unang araw ng mandatory drug testing alinsunod sa direktiba ni Police Brigadier General David Peredo Jr., Regional Director ng PROCOR, na siguraduhing drug-free ang lahat ng tauhan ng Regional Headquarters at Regional Support Units.
Ang aktibidad ay pinangangasiwaan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) at Regional Forensic Unit – Cordillera.
Ayon pa kay PCol Gayo, regular na nagsasagawa ng surprise at random drug testing ang PROCOR PNP upang mapanatili ang disiplina at masuri kung may mga miyembro ng organisasyon na sangkot sa anumang ilegal na droga.
Ang aktibidad ay alinsunod sa Internal Disciplinary Mechanism (PNP MC-2020) ng PNP na naglalayong mapanatiling drug-free at tiyaking walang miyembro ng PNP, parehong uniformed at non-uniformed ang sangkot sa ilegal na aktibidad, partikular sa paggamit at kalakalan ng ilegal na droga.