Sunday, May 18, 2025

38-anyos na lalaki arestado sa ilegal na pagsuot ng PNP Uniform

Isang 38-anyos na lalaki ang arestado ng Parañaque PNP sa ilegal na pagsuot ng PNP Uniform sa Barangay Tambo, Parañaque City bandang alas-onse ng umaga ng ika-8 ng Abril 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jefferson”, na ngayon ay nahaharap sa mga reklamo para sa Usurpation of Authority at Illegal Use of PNP Uniform o ang hindi awtorisadong paggamit ng PNP uniform.

Ayon sa inisyal na ulat, napansin ni PSSg Jeffrey S Tupil, kasalukuyang nakatalaga sa DTU, SPD, ang suspek habang sakay sila ng bus sa kahabaan ng Coastal Road. Napagmasdan ang suspek na nakasuot ng PNP Athletic Uniform (upper), jogging pants, at tsinelas, at tila kahina-hinala ang kilos habang kumukuha ng sariling litrato. Pagdating sa PITX Terminal, nilapitan ni PSSg Tupil ang suspek at hiniling ang kanyang PNP identification card, na hindi naibigay ng suspek.

Bilang tugon, agad na nakipag-ugnayan si PSSg Tupil sa Sub-Station 2, Parañaque CPS at sinagot nina PCpl Godio at Pat Soliveres na ipinadala sa lokasyon. Sa kanilang pagdating, mabilis na dinakip ng mga rumespondeng opisyal ang suspek at dinala sa himpilan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Pinaalalahanan ng Southern Police District ang publiko na tanging mga bonafide na miyembro ng Philippine National Police ang awtorisadong magsuot ng uniporme ng PNP. Ang hindi awtorisadong pagsusuot ng uniporme ng PNP ay mahigpit na ipinagbabawal at sinumang mahuhuli ay mananagot ng Usurpation of Authority sa ilalim ng RPC Artikulo 177 (Usurpation of Authority of Official Function) at Artikulo 179 (Ilegal na Paggamit ng Uniporme at Insignias).

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles