Malilipot, Albay – Nakiisa ang mga tauhan ng Malilipot PNP sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day 2022 sa Seawall, Barangay III Poblacion, Malilipot, Albay nitong Sabado, Setyembre 17, 2022.
Ang naturang aktibidad ay may temang “Trash-Free Seas” na pinangunahan ni PSMS Michelle B Gasper sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Manuel A Dionisio II, Officer-In-Charge.
Lumahok din sa nasabing aktibidad si Ginoong Obed Barrios-Kaligkasan President, Hon. Joe Boholano-KKDAT President, SK Council ng Barangay III Poblacion na pinamunuan ni Hon. Marshan B. Punzalan, SK Chairperson at Alpha Kappa Rho Malilipot Chapter.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa programa ng PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong hikayatin ang mamamayan na makilahok sa isang malakihang aksyon upang linisin ang ating mga baybayin at maprotektahan ang ating ecosystem.