Mandaluyong City (February 12, 2022) – Pinuri ni Police Major General Vicente Danao Jr, ang matagumpay na rescue operation ng National Capital Region Police Office – Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOG) sa isang (1) Malaysian at apat (4) na Chinese sa A. Mabini St., Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City noong Pebrero 12, 2022.
Nakatanggap ng reklamo ang mga operatiba ng RSOG-NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Melvin Montante mula sa isa sa kaibigan ng biktima hinggil sa mga dayuhang kinidnap at ilegal na ikinulong.
Kaagad nagsagawa ng rescue operation ang mga operatiba ng NCRPO RSOG sa pangunguna ni PltCol Montante kasama ang Mandaluyong City Police Station (CPS) sa pangunguna ni PltCol Marlon Mallorca para iligtas ang mga biktima na kinilalang sina Teo Chee Ching, Malaysian national; Wang Ui Yong, Chinese national; Yan Lu Ting, Chinese national; Li Qing Lin, Chinese national; at Yang Li Hui, Chinese national.
Naaresto ang isa (1) sa mga suspek na kinilalang si Darren Lim, a.k.a. “Ayan”. Ang dalawang (2) lalaki na kanyang mga kasamahan ay hindi na nakilala dahil ito ay nakatakas sa mga oras ng pag-aresto.
Agad dinala ang mga biktima sa ospital para sa medico-legal examinations. Pagkatapos, dinala sa RSOG, NCRPO para sa tamang disposisyon kasama ang mga suspek para sa pagsasampa ng mga kaso para sa Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Pinapakita lamang sa pangyayaring ito ang mabilis na pag-aksyon ng ating mga kapulisan sa anumang oras at sitwasyon, maging ito man ay dayuhan na nasa ating bansa o maging sa ating mga kapwa Pilipino.
Walang pinipili ang Pambansang Pulisya pagdating sa pagbibigay ng serbisyo publiko at pagprotekta sa mga nangangailangan.
###
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya, RPCADU NCR
Tagumpay galing talaga ng mga pulis salamat