Nakatanggap ng 10 motorcycle unit ang Makati City Police Station nito lamang Abril 28, 2025 mula sa pamunuan ng Security Bank.
Ang naturang turn-over ay bahagi sa corporate social responsibility program ng Security Bank na may layuning patatagin ang bansa sa pamamagitan ng edukasyon, health and wellness, livelihood development at community building.

Dinaluhan ito ng mga representative mula sa Security Bank, Philippine National Police, at ng mga miyembro ng local government ng Makati.
Inaasahang sa pamamagitan ng nasabing mga donasyon, mas mapagtibay pa ng Makati CPS ang kanilang mga operational mobility at mas mapabilis pa ang kanilang mga patrol coverage sa bawat bahagi ng lungsod.
“Our support of the Makati City Police is rooted in our shared goal of building safer communities. This donation helps ensure that our police have the tools they need to respond quickly and effectively. We hope it helps them continue making a positive impact,” saad ni Bank’s Security and Safety Head, General Billy Beltran.
Samantala nagpasalamat naman si Police Colonel Jean Dela Torre, hepe ng Makati CPS, sa buong suporta na ibinigay ng Security Bank sa kanilang opisina. Aniya, “The Makati Police Force extends our sincere gratitude and recognition to Security Bank Corporation for their steadfast support and generosity. This significant donation, born from our strong partnership, will substantially enhance the effectiveness and productivity of the Makati Police in fulfilling our public safety duties.”
Itinatag noong 1951, ang Security Bank ay isa sa mga pangunahing universal bank sa Pilipinas at kabilang sa listahan ng Philippine Stock Exchange (PSE:SECB) noong 1995. Ang pangunahing mga serbisyo nito ay retail, corporate, commercial, at business (MSME) banking, kung saan nagbibigay ng maraming oportunidad sa lahat kabilang na ang lending, leasing, foreign exchange, stock brokerage, investment banking, at asset management.
Alinsunod sa brand promise nitong “BetterBanking,” ang Security Bank ay nanguna sa pagbibigay ng maayos at ligtas na banking experience sa kanilang mga customer sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga solusyon sa pinakamabilis, hassle-free, personalized at propesyonal na paraan.
Bukod pa rito, ang Security Bank ay may koneksyon din sa MUFG Bank, Ltd., ang pinakamalaking banko sa Japan, upang makahatid ng mas malawak na access sa global network sa lahat ng mga customer nito.