Sogod, Cebu – Matagumpay na naisakatuparan ng mga tauhan ng Sogod Police Station ang ilan sa mga makakalikasang kasanayan ng PNP na isinagawa sa Sogod Fish Port, Brgy. Tabunok, Sogod, Cebu nito lamang Linggo, Agosto 14, 2022.
Kabilang sa mga naging aktibidad ang paglulunsad ng programang SCUBAsurero, coastal clean-up, at mangrove tree planting na pinangunahan ni Police Lieutenant Castro Restauro, Hepe ng Sogod Police Station na siyang masugid na nilahukan ng mga miyembro ng Eagles Club, Sogod MDRRMO, Antrack Logistics, KKDAT, Tabunok Brgy. Officials at mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLt Restauro, sako sako ng samut-saring basura ang nalikom ng grupo mula sa nasabing aktibidad at tinatayang nasa mahigit 300 piraso ng halamang mangrove o propagule ang kanilang naitanim.
Ang matagumpay at mabilis na pagsasagawa ng mga nasabing gawain ay bunga ng maayos na ugnayan at pagkakaisa ng mga dumalo.
Patuloy naman na hinihikayat ng Sogo PNP ang publiko at ang grupo na naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na makiisa sa pagsulong ng mga programa ng pamahalaan para sa maayos na kalikasan at kaligtasan ng bawat mamamayan.