Cagayan de Oro City (February 24, 2022) – Nagsagawa ng Clean-up drive ang Cagayan de Oro City Police Office kasama ang Lingkod Bayan Groups sa Camaman-an Elementary School sa Cagayan de Oro City noong Pebrero 24, 2022.
Ayon sa Acting City Director ng lungsod na si Police Colonel Aaron Mandia, layon ng aktibidad na bumuo ng mas malakas na ugnayan ng pulisya at komunidad bilang suporta sa mga agenda ng gobyerno sa kapayapaan, kaayusan at pagsulong ng pangangalaga sa kapaligiran.
Nagpasalamat si Ginoong Isagani Olarte, Master Teacher 1 ng Camaman-an Elementary School sa aktibidad ng kapulisan para sa kanilang paaralan. Tiniyak din niya na mas lalo pang pag-iibayuhin ang kanilang “new-normal” na pagbibigay ng karunungan sa kanilang mga estudyante.
“Ang Higalang Pulis ay hindi magagawa ang aktibidad na ito kung wala ang tulong at partisipasyon na inihandog ninyo. Kami ay umaasa at nagdarasal na ang pagtutulungang ito ay magpapatuloy dahil ang mga pangangailangan ng ating mga nasasakupan sa komunidad ay hindi rin natatapos. At sa ganitong paraan ay magbibigay inspirasyon sa iba na lumahok sa mga ganitong gawain”, ani PCol Mandia.
####
Panulat ni Patrolman Joshua C Fajardo
Serbisyong Tunay na maaasahan talaga ang mga kapulisan
Thank you po sir sa suporta at tiwala.