Camp Olivas, Pampanga – Ipinatupad ng Police Regional Office 3 ang mahigpit na seguridad sa Central Luzon nito lamang araw ng undas Nobyembre 1, 2022.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Cesar Pasiwen, Regional Director ng Police Regional Office 3, katuwang ang mga Barangay Officials, Barangay Peacekeeping Action Teams at mga Barangay Health Workers.
Nagtalaga ng mga Police Assistance Desk sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa Central Luzon na kung saan mahigpit na ininspekyon ang dala ng mga bumibisita at kinumpiska ang mga gamit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo tulad ng alak at matutulis na bagay.
Nag-ikot din ang mga awtoridad sa loob at labas ng sementeryo upang maiwasan ang krimen.
Layunin nito ang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa pagbisita ng kanilang kapamilya na sumakabilang buhay na.
Ang buong hanay ng Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa pamayanan at siguraduhin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa paggunita sa araw ng undas.
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3