Taguig City — Kalaboso ang tatlong High Value Individual (HVI) matapos mahulihan ng mahigit sa Php680,000 halaga ng shabu ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) nito lamang Sabado, Disyembre 9, 2023.
Kinilala ni PBGen Mark D Pespes, Acting District Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “Liza”, 43 taong gulang; alyas “Samson”, 54 taong gulang, at alyas “Abdul”, 41 taong gulang.
Ayon kay PBGen Pespes, ikinasa ang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng SPD bandang 12:05 ng madaling araw sa kahabaan ng VP Cruz, Purok 5, Barangay Lower Bicutan, Taguig City na humantong sa pagkakaaresto sa tatlong suspek.
Nasamsam sa operasyon ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na humigit-kumulang 100.10 gramo at nagkakahalaga ng Php680,680, isang tunay na Php1,000 na may kasamang tatlong Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, at isang android phone.
Paglabag sa Seksyon 5, 11, at 26 kaugnay ng Sec. 5, sa ilalim ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.
Tiniyak ni PBGen Pespes na mas lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan para manatiling ligtas at mapayapa ang buong Southern Metro.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos