Tuesday, November 26, 2024

Mahigit Php500K na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Lake Sebu PNP sa South Cotabato

Lake Sebu, South Cotabato – Tinatayang Php564,900 na halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Lake Sebu PNP sa bahagi ng Barangay Takunel, Lake Sebu, South Cotabato nito lamang Agosto 23, 2022.

Kinilala ni PLtCol Joven Bagaygay, Chief of Police ng Lake Sebu Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Julius Abella, 25, residente ng Barangay Tubod, Lake Wood, Zamboanga Del Sur.

Ayon kay PLtCol Bagaygay, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong isang kahina-hinalang puting van ang nagbebenta ng murang sigarilyo sa kanilang lugar. Agad naman itong pinuntahan ng mga operatiba ng Lake Sebu MPS upang kumpirmahin ang nasabing ulat.

Pagdating ng kapulisan sa lugar ay nahuli sa akto ang suspek na nagbebenta ng dalang sigarilyo sa isang maliit na sari-sari store. Nakumpiska mula sa suspek ang 20 karton ng samu’t saring ilegal na sigarilyo na walang kaukulang dokumento.

Kasong paglabag sa RA 10863 ng Customs and Tariff Administration ang isinampa ng pulisya laban sa suspek.

Nagpaalala naman ang ating kapulisan sa publiko na huwag bumili o tumangkilik ng mga ilegal o smuggled na sigarilyo dahil ito ay hindi dumaan sa tamang proseso at hindi nakasisigurado sa mga nilalaman ng mga ito.

###

Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles