Davao Del Sur – Tinatayang Php5.2 milyong halaga ng marijuana ang sinira at sinunog sa isinagawang “Oplan Hurot” ng mga operatiba ng PNP at AFP sa Sitio Latnabag, Sitio Lamlango at Sitio Lamtikon Brgy. Bolol Salo, Kiblawan, Davao Del Sur nitong Marso 17 hanggang 19, taong kasalukuyan.
Kinilala ni PCol Guisseppe Geralde, Director ng Davao Del Sur Police Provincial Office ang suspek na si Lima Cansing.
Ayon kay PCol Geralde, ang nasabing operasyon ay nagresulta ng pagkakadiskubre ng tinatayang 26,350 piraso ng marijuana plant na nagkakahalaga ng Php5.2 milyon na kaagad nilang binunot at sinunog sa Brgy. Balasiao Davao Del Sur na sinaksihan ni Honorable Mayor Carl Jason Rama at Hon. Jessie Pandian, Punong Barangay.
Ayon pa kay PCol Geralde isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Davao Del Sur Police Provincial Office, Kiblawan Municipal Police Station, PNP Drug Enforcement Group 11 (PDEG), Provincial Drug Enforcement Unit at 39th Infantry Battalion (IB) Alpha Company ng Philippine Army (PA).
Dinala naman ang 11 piraso ng puno nito sa Davao Del Sur Provincial Forensic Unit upang isailalim sa pagsusuri.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Davao del Sur PPO para sampahan ng kaukulang kaso.
Ang matagumpay na operasyon na ito ng Police Regional Office 11 ay isa lamang sa walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Rehiyon Onse laban sa ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara
Yan tama sunugin yan salamat sa awtoridad