Pasay City – Tinatayang nasa Php400 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang drug suspek sa isinagawang drug interdiction operation sa PAIR-PAGS Cargo Center, NAIA Complex, Pasay City nitong Marso 21, 2023.
Kinilala ni PBGen Jerry Bearis, AVSGEROUP Director, ang mga suspek na sina a.k.a Edward Fajardo y Suldivila, male, Filipino, 37 years old, at Steve Tilimban Caro Jr., male, Filipino, 27, parehong residente ng Sta. Mesa, Manila.
Ayon kay PBGen Bearis, nasamsam ng mga operatiba ng NAIA-IADITG NAIA o Inter-agency Anti-Illegal Drugs Task Group ang humigit kumulang 58,930 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nakatago sa isang inbound parcel na may tinatayang halaga na Php400,724,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Sinisiguro naman ng Aviation Security Group na patuloy nilang paiigtingin ang seguridad sa bawat paliparan sa pangunguna ng bagong talagang Director na si PBGen Jerry F Bearis.