Nadiskubre ang tinatayang nasa Php3,060,000 halaga ng dried marijuana leaves at Fully Grown Marijuana Plants ng mga operatiba sa Sadanga, Mountain Province nito lamang ika-9 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Colonel Ferdinand D Oydoc, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Sadanga Municipal Police Station katuwang ang Mountain Province PPO, RID PRO CAR, RIU 14 at PDEA Mountain Province.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng 10,500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants sa isang communal forest na may lawak na 1,500 square meters at 8,000 gramo ng dried marijuana leaves.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/476343117_1346706136504608_2139370732006254864_n-1.jpg?resize=696%2C1001&ssl=1)
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga pinagbabawal na tanim at dried marijuana leaves sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na kaisa ang Pambansang Pulisya katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyan administrasyon tungo sa isang Bagong PIlipinas.