Tinatayang Php346,800 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang Street Level Individual (SLI) sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Cruz PNP sa Barangay Santisima Cruz, Sta. Cruz, Laguna nito lamang Sabado, Pebrero 17, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Kerwin”, residente ng Sta. Cruz, Laguna.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 51 gramo na nagkakahalaga ng Php346,800, isang yunit ng motorsiklo, isang cellular phone, isang itim na pitaka at isang Php1000 bill bilang marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bilang pagsuporta sa programa ng ating kasalukuyang administrasyon laban sa problema ng ilegal na droga, ang buong kapulisan ng lalawigan ng Laguna ay patuloy na paiigtingin ang paghuli sa mga taong nagpapalaganap ng pinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad tungo sa bagong Pilipinas.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng