Davao del Norte – Kumita ng halagang Php33,095 ang People’s Organization na binuo ng Revitalized-Pulis sa Barangay Igangon mula sa kanilang binuong palaisdaan sa Prk. 9-A, Brgy. Igangon, San Isidro, Davao del Norte nitong Martes, Marso 15, 2022.
Sa pangalawang pagkakataon ay nakapag-ani ng 129 kilo ng cultured tilapia ang mga miyembro ng Suop Igangon Farmers Association (SIFA) kasama ang mga tauhan ng R-PSB Igangon, San Isidro MPS, 1st Davao Norte Provincial Mobile Force Company at Mr. Jessie Lachica, Field Officer ng Negrense Volunteers for Change Foundation Inc. (NVC).
Ang mga naaning tilapia ay naibenta ng Php14,970 habang Php18,125 naman ang kinita ng kanilang naging unang ani.
Ang halaga na kinita ng nasabing proyekto ay idadagdag at siyang gagamitin bilang pondo ng kanilang organisasyon na malaking tulong sa pagkakaroon nila ng Sustainable Livelihood Program para masuportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
Ito ay sa ilalim na rin ng Executive Order 70 ELCAC project ng gobyerno na siyang isinusulong ng R-PSB ng Police Regional Office 11.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche Moraera
Galing nman ng PNP tagumpay po kayo