Nasamsam ang Php3,657,899 halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang joint checkpoint sa Barangay Sirawan, Toril, Davao City nito lamang ika-24 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Sheryl Y Bautista, Hepe ng Toril Police Station, ang suspek na si alyas “Jupel”, 35 anyos, isang drayber at residente ng Purok Talungdos, Barangay Cahayagan, Pagadian City.
Nang inspeksyunin ang likod ng sasakyan ay tumambad ang iba’t ibang brand ng smuggled na sigarilyo na umabot sa 4,665 reams na may tinatayang halaga na Php3,657,899.
Ang tagumpay na ito ay patunay sa pagsisikap ng Davao City PNP sa puwersang pangseguridad upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon onse.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino