Nasamsam ang tinatayang Php3,229,864 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek matapos matagpuan ng mga awtoridad ang mga plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu sa sahig ng sasakyan sa plain view inspection na isinagawa sa AFP-PNP Border Control Point sa Barangay Lacson, Calinan, Davao City noong Disyembre 22, 2024.
Ayon kay Police Major Robel B Saavedra, Officer-In-Charge ng Calinan Police Station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ronie”, 37 anyos na residente ng Maramag, Bukidnon at alyas “Jeam”, 29 anyos na taga-Misamis Oriental.
Nakuha ang humigit kumulang 474.98 na gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at iba pang non-drug items.
Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang tagumpay na ito ay isang patunay ng kahusayan ng mahigpit na operasyon ng mga pwersang panseguridad ng Davao PNP sa mga checkpoint, na naging hadlang sa pagpasok ng mga iligal na droga at kontrabando sa lungsod, bilang bahagi ng mas malawak na hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino