Wednesday, January 15, 2025

Mahigit Php28M halaga ng marijuana at isang granada, nasabat sa isang checkpoint sa Isabela

Nasabat ang humigit-kumulang 28 milyong pisong halaga ng hinihinalang marijuana at isang granada sa isinagawang checkpoint sa Roxas, Isabela, nito lamang ika-14 ng Enero, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Antonio P Marallag Jr, Regional Direktor ng Police Regional Office 2, ang mga suspek na sina alyas “Jomel” at alyas “Rico”, pawang mga 30 taong gulang at mga residente ng Baranka Ilaya, Mandaluyong City.

Ayon kay PBGen Marallag Jr, nangyari ang insidente bandang alas-dyes y medya ng gabi habang kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang mga kapulisan ng Roxas, Isabela. 

Ayon pa kay RD Marallag Jr, di umano’y may isang rumaragasang itim na SUV at sinubukang iwasan ang nasabing checkpoint na nagresulta sa pagkakasabit nito sa Patrol Car ng mga kapulisan. Agad namang nagsagawa ang PNP Roxas ng hot-pursuit operation at nakipag-ugnayan sa mga malalapit na himpilan ng pulisya upang mahuli ang nasabing sasakyan. Makalipas ang mahigit labing-lima minuto na habulan, nakorner ng mga kapulisan ang nasabing sasakyan sa Barangay Centro, Mallig, Isabela.

Nasabat mula sa mga suspek ang 222 na mga bloke ng hinihinalang marijuana na umabot sa Php26,640,000 ang tinatayang halaga, 19 na piraso ng rolled marijuana na nagkakahalaga ng Php2,280,000 at isang granada.

Pinuri naman ni PBGen Marallag Jr ang mga kapulisang nasa likod ng matagumpay na operasyon. Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga checkpoints sa bawat sulok ng Lambak ng Cagayan sa pagsugpo ng kriminalidad at pagdakip sa mga lumalabag sa batas.

“Ang malaking operasyong ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng pagmamando sa mga checkpoints ng ating mga kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa ating nasasakupan. Sisiguruhin nating 24/7 na nakabantay ang ating mga kapulisan upang masugpo ang iligal na droga at kriminalidad dito sa Lambak ng Cagayan,” dagdag pa ng Direktor.

Source and Photo: Police Regional Office 2

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles