Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php251,600 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Jonathan Manzano Mariano, alyas Athan, 35, residente ng Cokran Village Carigma St. Brgy. San Jose, Antipolo City at Michael Lazarte Orcio, alyas “Michael”, 38, residente ng Blk 7 Room 14 Planters Floodway, Brgy. San Juan, Cainta Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 7:15 ng gabi naaresto ang dalawang suspek sa no. 75 Cruz Compound, Carigma St. Brgy. San Jose, Antipolo City ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency-Rizal.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakuha sa mga suspek ang pitong pirasong heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 37 gramo at nagkakahalaga ng Php251,600; isang piraso ng Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at tatlong pirasong Php100 bill.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Baccay ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano