Tuesday, May 13, 2025

Mahigit Php2.6M halaga ng droga, nasabat ng Bicol PNP sa magkasunod na operasyon

Tinatayang nasa Php2,671,803.20 halaga ng iligal na droga at naaresto ang 21 kataong sangkot sa kalakalan ng droga sa sunod-sunod na anti-drug operations ng Police Regional Office 5 mula Mayo 5 hanggang 11, 2025.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Andre P. Dizon, Regional Director ng PRO 5 ang mga operasyon na isinagawa sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon.

Aabot sa humigit-kumulang 392.884 gramo ng hinihinalang shabu at 1.60 gramo ng marijuana ang nakumpiska ng pulisya.

Kabilang sa mga nahuli ang apat na itinuturing na High Value Targets (HVTs), habang ang natitirang 17 ay mga street-level drug personalities. Isinagawa ang mga operasyon sa pamamagitan ng buy-bust at surveillance na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga suspek.

Ang lalawigan ng Albay ang nagtala ng pinakamalaking halaga ng nakumpiskang iligal na droga na umabot sa Php1,719,040.00, habang pumangalawa ang Lungsod ng Naga na may Php877,296.00. Kabilang din sa mga lugar na may makabuluhang pagkakasamsam ay ang Camarines Sur (Php33,687.20), Camarines Norte (Php29,852.00), Masbate (Php8,432.00), at Sorsogon (Php3,496.00).

Pinuri ni PBGen Dizon ang walang kapagurang pagsisikap ng mga yunit ng pulisya at muling iginiit ang matibay na paninindigan ng PRO5 laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng komunidad sa pagtulong sa mga awtoridad sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad.

“Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng aksyon ng pulisya, kundi patunay rin ng lumalakas na suporta ng mga mamamayan sa ating laban kontra droga. Sa pagtutulungan, makakamit natin ang mas ligtas na mga pamayanan,” pahayag ni PBGen Dizon.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles