Davao City – Tinatayang Php2,125,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa checkpoint na isinagawa sa Purok 2 Sitio Uguis Toril District, Davao City noong Oktubre 31, 2022.
Kinilala ni Police Major Jonnel Bonguyan, Acting Chief of Police ng Eden Police Station, ang mga suspek na si alyas “Kinsar”, 36, residente ng Tumaga Zamboanga City at si alyas “Al”, 24, residente ng Muslim Village km. 11 Sasa, Davao City.
Ayon kay PMaj Bonguyan, naaresto ang mga suspek matapos dumaan sa isang checkpoint na isinasagawa ng pinagsamang tauhan ng Eden PS at Task Force Davao.
Dagdag pa ni PMaj Bonguyan, nakuha mula sa mga suspek ang 85 na kahon na naglalaman ng 4,250 reams na smuggled na sigarilyo.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 4712 o An Act amending certain sections of Tariff and Customs Code of the Philippines.
Ang pagkakahuli sa mga suspek ay resulta ng magandang ugnayan at pagmamalasakit ng mamamayan at kapulisan sa komunidad na magdadala sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara