Tinatayang Php1,050,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa Sitio Colangi, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-10 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Kibungan MPS, Benguet Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit-14, Provincial Drug Enforcement Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng tinatayang 5,250 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php1,050,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Panulat ni Pat Charlyn Rose Gumangan