Nakumpiska sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 9 (PRO 9) ang mahigit Php103 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula mula Enero hanggang ngayong buwan.
Simula nang manungkulan si Police Brigadier General Roel C. Rodolfo, Regional Director ng Police Regional Office 9, agad na nagsagawa ng masigasig at estratehikong mga hakbang upang palakasin ang seguridad sa mga hangganan ng rehiyon, pinaigting ng PRO 9 ang mga operasyon sa mga lugar na kilala bilang daanan ng mga kontrabando.


Nagresulta sa pagkakaaresto ng 78 indibidwal at pagkakakumpiska ng 452 pakete, 5,266 reams, 1,665 master cases ng sigarilyo.
“Pinupuri ko ang walang kapagurang pagsusumikap ng ating mga tauhan at katuwang na ahensya sa pagtatanggol ng ating pambansang interes. Ang batas ay ipatutupad, ang mga lumalabag ay pananagutin, at mananatiling matatag ang PRO 9 sa pagsugpo sa iligal na kalakalan,” Pahayag ni RD Rodolfo.
Panulat ni Pat Joyce M Franco