Nasamsam ng Cagayano Cops ang mahigit Php100,000 halaga ng shabu at di-lisensyadong baril sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan noong Enero 9, 2023.
Kinilala ang suspek na si alyas Waren, 55, may asawa, isang magsasaka, residente ng Amulung, Cagayan at kabilang sa Street Level Individual (SLI).
Ang operasyon ay isinagawa sa pagtutulungan ng Tuguegarao Component City Police Station kasama ang Cagayan PDEU/PIU, 1st Platoon Cagayan PMFC at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA, RO2.
Naaresto ang suspek matapos magbenta ng isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu sa isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer at nasamsam ang tatlong (3) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 16 gramo na may Standard Drug Price na Php108,800.
Narekober din ang isang pirasong caliber 22 revolver, limang pirasong live ammunition cal. 22, isang pirasong empty shell cal. 22, isang pirasong black holster, isang yunit white Samsung keypad cellular phone, isang pirasong tuna na isang libong piso, at isang yunit na green Nissan Urvan.
Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.
Ang matagumpay na operasyon ay isang patunay na ang Cagayano Cops ay hindi titigil hanggat hindi napupuksa ang ilegal na droga sa probinsya.
Source: Tuguegarao Component City Police Station
Panulat ni PCpl Kelvin Paul Juan