Bulacan – Nakumpiska ang tinatayang Php1,781,600 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Balagtas Municipal Police Station sa Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang dalawang drug personalities na sina alyas “JC”, 36, at alyas “JR”, 37, pawang mga residente ng Balagtas, Bulacan at kabilang sa High Value Individual.
Nakumpiska ang 262 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,781,600 at buy-bust money.
Sasampahan ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patunay lamang na ang Balagtas PNP Ay pursigido at may dedikasyon sa pagpapaigting sa kampanya laban sa mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Source: Bulacan Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera