Kibungan, Benguet – Tinatayang Php1,212,800 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Todag, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsamang operatiba ng 143 Special Action Company, 14 Special Action Battalion, PNP Special Action Force at Kibungan Municipal Police Station.
Ayon pa kay PBGen Lee, nadiskubre sa nasabing lugar ang 320 marijuana seedlings at 10 kilong dried marijuana stalks na nagkakahalaga ng Php1,212,800.
Bagamat walang nahuling marijuana cultivator, kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba sa mismong lugar ng taniman.
Ang matagumpay na operasyon ng Benguet PNP ay isa lamang resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
###
Patrolwoman Febelyne C Codiam