Higit 700 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) ang naatasang magbantay sa seguridad sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong Lunes, ika-12 ng Mayo 2025.
Ayon sa PNP, nasa 35 na mga lugar sa BARMM ang nasa red category o may seryosong banta ng karahasan sa halalan.
Nabanggit ding dalawang lugar sa rehiyon ang nasa ilalim ng COMELEC control hanggang noong Mayo 5, kabilang na ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte at Buluan sa Maguindanao del Sur.
Samantala, nasa 3,600 pulis ang magsisilbing electoral boards sa BARMM upang tiyakin na magiging malinis, patas, at makatotohanan ang resulta ng botohan.
Buong puwersa ang kapulisan, katuwang ang COMELEC at iba pang ahensya ng gobyerno, upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan ngayong election period.
Source: https://www.facebook.com/dzbb594/videos/1933256764081434/?app=fbl