Pinangunahan ni PCol Reynaldo Pasiwen, Provincial Director, Benguet Police Provincial Office ang isinagawang rollout ng Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery kasama ang mga kapulisan ng Tuba Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Leonard Danasen, Chief of Police at ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ginanap sa Municipal Grounds, Poblacion, Tuba, Benguet noong Oktubre 26, 2021.
Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na dumalo at nagpaabot ng kani-kanilang mga serbisyo sa naturang aktibidad ay ang NCIP Benguet, PhilHealth Benguet, DOST Benguet, DOLE Cordillera, TESDA CAR at Benguet Offices, SSS Cordillera, DTI Tuba, Comelec Tuba, MSWDO Tuba, Municipal LCR, Municipal Treasury Office at Public Attorney’s Office (PAO).
Dumalo rin sina Hon. Clarita P Sal-Ongan, ang Municipal Mayor na siyang panauhing pandangal at tagapagsalita at si Atty. Anthony A. Wooden Jr., the Assistant Regional Director ng DOLE.
Nasa 613 na residente ng naturang munisipalidad ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng isinagawang aktibidad.
#####
Article by Police Corporal Melody L PinedaÂ