Bulacan (February 9, 2022) – Mahigit 600 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang nagbalik-loob sa pamahalaan at sumuporta sa maigting na pangangampanya kontra Terorismo na ginanap sa Brgy. Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Pebrero 9, 2022.
Binigyang buhay ang aktibidad sa pamamagitan ng paglagda ng Oath of Allegiance ng mga dating miyembro ng Kadamay bilang patunay sa kanilang pagsuporta sa pamahalaan at tuluyang pagtalikod sa maling ideolohiya na kanilang pinaniniwalaan.
Pagkatapos ng maikling programa ay nagkaroon din ng Community Outreach Program na kung saan ay nagbigay ng mga relief goods na labis na ikinatuwa at laking pasasalamat ng mga nasabing miyembro sa tulong handog ng mga awtoridad.
Ipinahayag ni Police Brigadier General Matthew Baccay, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 na ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Wilson Delos Santos ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 3.
Source: Police Regional Office 3
####
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera, RPCADU 3
Great work thanks PNP