Esperanza, Sultan Kudarat – Mahigit 50 na Indigenous Peoples (IPs) ang naabutan ng serbisyo ng PNP sa isinagawang PNP Project Juana at Information Drive sa Brgy. San Isidro, Tampakan, South Cotabato nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Ang naturang aktibidad ay bunga ng pagtutulungan ng mga kawani ng Family Juvenile and Gender Sensitivity Section ng Police Regional Office 12 (PRO12), Regional Community Affairs Development Division, South Cotabato Police Provincial Office, at Tampakan Municipal Police Station.
Ayon sa Officer-In-Charge ng Regional Community Affairs and Development Division, Police Colonel Gilberto B Tuzon, maliban sa pamamahagi ng food packs sa mahigit 50 na kababaihan at LGBTQIA na IPs, binigyang kaalaman din ang mga ito patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan. Isa na rito ang batas na R.A. 9262 o mas kilalang “The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa tulong at aral na ibinahagi ng ating mga butihing alagad ng ating bayan.
Tiniyak naman ng PRO12 na patuloy sa pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad para mas maparami pa ang kanilang matulungan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin