Wednesday, April 30, 2025

Mahigit 3K kaso ng mga tiwaling tauhan, naresolba ng PNP

Nasa kabuuang 3,611 kaso ang tuluyan ng naresolba ng Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pagpapatupad nito ng Zero-Tolerance Policy, partikular na sa mga tauhang nauugnay sa tiwaling aktibidad simula April 2024 hanggang April 28, 2025, ayon sa pahayag ng himpilan na inilabas nito lamang Martes.

Kabilang sa mga kasong ito ang 1,288 dismissals; 172 demotions; 1,456 suspensions at iba pang mga disciplinary actions, gaya ng salary forfeitures, reprimands at restrictions.

Samantala, mariin namang pinaalalahanan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D Marbil ang buong hanay na gawin lamang ang sinumpaang tungkulin at higit sa lahat umiwas sa mga irregularidad sapagkat sa ilalim ng kanyang zero-tolerance policy, hindi sasantuhin ng PNP ang sinumang tauhan nitong masangkot sa katiwalian.

Ang naturang policy ay mas pinaiigting pa ng PNP matapos ma-aresto ang pitong tauhan nito kasunod ng pagkasangkot ng mga ito sa pangingikil ng isang Chinese businessman sa isinagawang checkpoint operation sa Parañaque City.

Samantala, apat namang tauhan ng Police Station 14 sa Quezon City ang inaresto matapos makitaan ng mga irregularidad gaya ng mishandling of evidence at violations of standard operating procedures sa isang Oplan Galugad operation.

Sa kabilang banda, tinanggal naman sa pwesto ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Eastern Police District, kabilang ang director nito matapos masangkot ang nasabing mga tauhan sa kaso ng extortion na may kaugnayan sa pagkaaresto ng dalawang Chinese nationals. Habang isinailalim naman sa restrictive custody ang walong tauhan ng DSOU, na siyang nahaharap ng mga kasong kriminal.

“This incident serves as a stark reminder that any officer who betrays the trust of the Filipino people will face the full force of the law,” saad pa ni PGen Marbil.

“PNP will take swift and decisive action to expel such officers from the service and ensure they are held accountable for their actions,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles