Saturday, May 3, 2025

Mahigit 2,800 pulis, dumating na sa BARMM para sa Halalan 2025

Dumating na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang 2,831 pulis mula sa iba’t ibang rehiyon bilang bahagi ng Special Electoral Board para sa nalalapit na National and Local Elections 2025 ngayong Mayo 12, 2025.

Ipinahayag ni Police Lieutenant General Bernard Banac, Commander ng Area Police Command-Western Mindanao at namumuno sa Special Task Force-BARMM, na ang kasalukuyang bilang ng mga naitalagang pulis ay bumubuo sa 75.81% ng kabuuang 3,734 na miyembro ng pulisya na inaasahang ipapakalat sa rehiyon bilang bahagi ng seguridad para sa Halalan 2025.

Ang mga pulis ay mula sa 14 Police Regional Offices at PNP Maritime Group, na magsisilbing augmentation force upang palakasin ang seguridad sa mga lalawigan at lungsod ng BARMM.

Kasama sa kanilang mandato ang pagtiyak ng ligtas, maayos, at mapayapang halalan, lalo’t itinuturing ang rehiyon bilang election area of concern dahil sa potensyal na banta ng karahasan.

Bilang bahagi ng masusing paghahanda, isinailalim ang mga pulis sa espesyal na pagsasanay upang gumanap bilang kapalit ng mga gurong itatalaga bilang election officers.

Patuloy rin ang mahigpit na koordinasyon ng Special Task Force-BARMM sa Commission on Elections, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, upang matiyak ang sapat na paghahanda at kahandaan ng mga puwersa ng seguridad para sa ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng Halalan 2025 sa rehiyon.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles