Matagumpay na naisagawa ng Police Regional Office 2 ang taunang pagsira at pagdisposo ng mga nakumpiskang paputok nsa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-7 ng Enero, 2025.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Police Brigadier General Marcial Mariano P. Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP).
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga opisyal ng PNP, at miyembro ng Bureau of Fire Protection, kasama ang ilang miyembro ng komunidad na sumusuporta sa kampanya laban sa ilegal na paputok.
Layunin ng aktibidad na ito na alisin ang mga panganib na dulot ng ilegal na paputok, partikular na sa panahon ng selebrasyon, at upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko. Bukod dito, ito rin ay isang mahalagang hakbang upang ipaalam sa mga mamamayan ang masamang epekto ng paggamit ng delikadong pyrotechnic devices.
Bilang bahagi ng misyon ng PNP, patuloy na isinusulong ng PRO2 ang mga proaktibong hakbang para sa kaligtasan at kapayapaan ng komunidad. Ang taunang pagsira ng ilegal na paputok ay bahagi ng mas malawak na layunin ng PRO2 na palakasin ang edukasyon ng publiko tungkol sa mga alternatibong paraan ng pagdiriwang na ligtas at walang peligro.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo