Nadiskubre ng mag awtoridad ang 1,076 piraso ng mga dinamita sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay sa Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon sa dating rebelde na si Ka Gaspar, ang mga ibinaon na dinamita ay gagamitin sa paggawa ng anti-personnel mine. Si Ka Gaspar ay dating squad leader ng North Central Mindanao Regional Committee. Kasama din sa narekober ang isang anti-personnel mine.
Nabatid na balak ng mga rebelde na gamitin ang mga pampasabog laban sa mga sundalo na nagsasagawa ng operasyon sa kabundukan ng Bukidnon. Ayon pa sa report, gagamitin umano ang mga nakuhang dinamita bilang ebidensiya sa pagsampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga rebelde.
Source: https://www.facebook.com/99.1iFMCDO/photos/pcb.4965572196858014/4965571890191378/
####
Article by Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero