Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang matagumpay na operasyon ng PNP Bicol kontra loose firearms.
Batay sa datos ng Police Regional Office 5, umabot sa 1,299 iligal na baril ang nakumpiska mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon. Mas mataas ito ng 33% kumpara sa 431 na narekober noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ni Chief PNP ang kahalagahan ng pagpapaigting ng kampanya kontra loose firearms upang mapigilan ang mga masasamang-loob na gumawa ng krimen lalo na ngayong nalalapit na eleksyon.
“I commend the men and women of the Police Regional Office 5, under Police Brigadier General Jonnel Estomo, for actively responding to my order to intensify the campaign against loose guns,” ani PGen Eleazar said.
Bukod sa pagkakakumpiska ng mga iligal na baril, nagresulta rin ang operasyon ng PNP Bicol sa pagkakaaresto ng 504 indibidwal, kabilang dito ang 10 kawani ng gobyerno, isang (1) sundalo, isang (1) pulis, at 492 sibilyan.
Nasa 264 kaso naman ang isinampa sa korte laban sa mga nahuling suspek.
Tiniyak ni PGen Eleazar sa publiko na ang laban kontra loose firearms ay patuloy na paiigtingin maging ang mga operasyon laban sa Private Armed Groups upang hindi magamit sa pagsabotahe ng darating na Halalan 2022.
###
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche