Timbog ang isang mangsasaka sa isinagawang search warrant ng mga otoridad sa Purok Mabuhay, Barangay Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato nito lamang Nobyembre 29, 2024.
Kinilala ni Police Major Erika N Vallejo, Hepe ng Tantangan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ron”, 54 anyos, magsasaka at residente ng Purok Mabuhay, Barangay Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay PMaj Vallejo, bandang 5:09 ng umaga, boluntaryong isinuko ng suspek ang isang unit na M16 Rifle, 21 na bala ng M16 Rifle at isang long steel magazine ng M16 rifle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang Tantangan PNP sa pagpapaigting ng seguridad sa lalawigan para masigurong ligtas ang komunidad.