Himas-rehas ang isang magsasaka sa kasong Attempted Murder sa nang ihain ang Warrant of Arrest ng mga miyembro ng Iligan City PNP sa Sitio Tag-ibo, Barangay Dalipuga, Iligan City nito lamang ika- 17 ng Mayo 2024.
Bandang 2:15 ng hapon isinagawa ang joint law enforcement operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilala ng Intel Operatives mula 1005th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion10 na si alyas “Ali”, 40 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Uyaan Proper, Madamba, Lanao del Sur.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder.
Ang pagkakadakip ng suspek ay bunga ng walang humpay na kampanya kontra kriminalidad ng Police Regional Office 10 at panagutin ang mga Wanted Persons na may pananagutan sa batas upang maging ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Danessa Berdos