Timbog ng Narra Municipal Police Station ang isang magsasaka na wanted sa kasong Statutory Rape at nakatala bilang Rank No. 4 Most Wanted Person sa Barangay Malinao, Narra, Palawan nitong ika-27 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Thirz Starky Timbancaya, Officer-in-Charge ng Narra MPS, ang suspek na si alyas ”Biboy’, 44 taong gulang, magsasaka, residente ng Purok Pagbabago, Barangay Malinao, Narra, Palawan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape under Article 266-A Paragraph 1 (D) ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act 1164 na walang nakalaang piyansa.
Ang pagkakahuli sa suspek ay isang patunay lamang na ang kapulisan ay ginagampanan ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad na kanilang nasasakupan.
Source: Thunder News Philippines
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña