Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Osmeña, Palapag, Northern Samar nito lamang ika-01 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Dupak”, 26 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Osmeña, Palapag, Northern Samar at miyembro ng SRC ARCTIC, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Palapag Municipal Police Station, 122 Special Action Company, 12 Special Action Battalion, 153rd Special Action Company, PNP-SAF at EOD/K9 Unit.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Northern Samar PMFC para sa dokumentasyon at tactical interview bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o Local Social Integration Program.
Muling hinimok ng 2nd Northern Samar PMFC ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya, magbalik-loob sa pamahalaan upang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian