Cebu – Bunga ng mahusay na intelligence operation at kooperasyon ng komunidad, napasakamay ng mga tauhan ng Ronda Municipal Police Station ang isang magsasaka na may nakabinbin na kasong ‘Sexual Assual’ sa operasyon na inilunsad sa Barangay Can-abujon, Ronda, Cebu noong Oktubre 7, 2023.
Kinilala ni Police Captain Eden Rex L Baguio, Officer-In-Charge ng Ronda Municipal Police Station ang akusado na si “Jonathan”, 26, residente ng Barangay Can-abujon, Ronda, Cebu.
Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Noel Reyes Nerizon, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Barili, Cebu bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Sabado.
Nakapiit ngayon si ‘Jonathan’ sa himpilan ng naturang istasyon habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento ukol sa kaso nito.
Ang pulisya ay hindi tumitigil na ipatupad ang batas at hulihin ang mga taong may pagkakasala para sa isang payapa at tahimik na komunidad.