Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang search warrant ng mga otoridad sa Purok Mabuhay, Barangay Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato nito lamang Nobyembre 17, 2024.
Kinilala ni Police Major Erika N Vallejo, Hepe ng Tantangan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ron”, 54 years old, magsasaka at residente ng Purok Mabuhay, Barangay Bukay Pait Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay PMaj Vallejo, bandang 5:09 ng umaga, boluntaryong isinuko ng suspek ang isang unit na M16 Rifle, 21 bala ng M16 Rifle at isang long steel magazine ng M16 rifle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad tungo sa maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.